“If you make customers unhappy in the physical world, they might each tell 6 friends. If you make customers unhappy on the Internet, they can each tell 6,000 friends.” – Jeff Bezos
Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya. Basta ang alam ko, noong mga oras na yun, asa alapaap ang aking diwa. “Congratulations, you've successfully passed the recruitment process. You’re hired”.
YOU ARE HIRED!!! Marahil, isa sa pinaka masarap na litanyang pwede mong marinig kasama ng “Oo, tayo na” at “Negative ang pregnancy test” (joke lang). Kaya naman nakatitig ako sa kawalan habang pinapaliwanag nung babae mula sa HR department ang mga terms and conditions ng kontrata. Bumalik nalang ang aking ulirat nang pinapirmahan niya ang sandamukal na papel mula sa brown envelope. Di ko alam kung para sa trabaho parin yun o last will and testament.
Pagkatapos ng ilang online tests and assessments (nakaka-urat talaga yung typing test), mga interviews na susubok sa tatag ng pinahid mong deodorant, sa wakas, isa na akong “technical support representative”. Oo, call center agent din yun, pero mas mabangis pakingan. Kung baga sa zoology, scientific name.
Naks. Di na ako tambay. Isa na akong employed citizen. Maiaahon ko na sa hirap ang aking pamilya. Mapag-aaral ko na ang kapatid ko. Mabibili ko na lahat ng gusto ko. Makakakain nako sa Jollibee kahit hindi linggo, tuwing pagkatapos mag simba. Makaka contribute nako sa bayan pamamagitan ng aking buwis. Pwede nakong magreklamo ukol sa katangahan ng gobyerno. Magtatayo ako ng unyon ng mga callcenter agents (taga-PUP talaga?). Gagawa ng resolusyon upang maibsan ang climate change. Ipo-promote ang world peace. Malulunasan ko ang famine sa Africa. Tatakbo ako at mananalo bilang kauna-unahang “non-american citizen” president of America (ano daw??) at pwede ko nang ipa-assasinate sa navy seal si Justin Bieber. Spell, Naive (ay, ayan na pala).
itutuloy ... follow the my story by clicking this link :
Franz710's misadventures of a call center agent story part 10
Call Center Bloopers
No comments:
Post a Comment