Tuesday, April 15, 2014

Call Center Bloopers

Franz710's misadventures of a call center agent story  part 10

Your most unhappy customers are your greatest source of learning. - Bill Gates


 
Applicable din para sa mga agents coming from ibat ibang provinces



Unang trabaho, unang sabak sa telepono. Memorable ang pinaka una kong call. Sabi nung customer, ipasa ko nalang daw sa iba dahil mukhang wala akong ideya sa ginagawa ko. Sweet naman nya.

5 taon. 3 na promotions. 4 na posing para sa ibat ibang ID ng magkakaibang account o program. At kung usapang stereotypes lang naman, heto sila..

1. Di mo alam ang petsa. Feeling mo ang mundo ay isang exercise wheel na tinatakbuhan ng alaga mong hamster. Paikot-ikot. Walang katapusan. Zombie, ika ng iba. Gising, pasok. Uwi, tulog. Pero babalik din ang ating kamalayan tuwing a-kinse at katapusan.

2. Hirap kang matulog sa bahay, pero di mo mapigilang mapa-pikit pag asa trabaho. Di ko alam kung dahil ba sa aircon o ang sarap lang managinip na isang malaking punching bag ang kupal mong TL, tuwing nakikita mo siya.

3. Ikaw o may kakilala ka, na energy drink na ang dumadaloy sa mga ugat. Cobra sa almusal. Sting sa tanghalian. Extra Joss ang panulak pag nabubulunan. Lipovitan naman ang nilalagok tuwing umiinom ng biogesic.

4. May kakilala ka din na laging may bitbit na baso ng starbucks kapag papasok. Siguro, importante talaga ang kape pag graveyard shift. Pero ang nakapagtataka e, buong araw na niya itong hawak, at sa paraan na makikita mo ang pangalan niya na nakasulat sa baso.

5. Alam mo ang mga term na “pitik” at “hadouken”. At madalas itong masusundan ng pagta-type sa notes ng “Customer ended the call”.

6. Kahit madalas e demonyo ang tingin mo sa kanya, gusto mong halikan sa tuwa ang TL mo pagsinabi niyang “Go on aux 4, coaching tayo”.

7. Pero malulungkot ka ulit, dahil malalaman mong bagsak lahat ng na-audit mong calls. Tipong, ang nakuha mo lang ng tama, ayon sa QA, ay opening at closing spiel. Lahat sablay na.

8. Sa lahat ng buttons ng Avaya, Auto in ang pinaka mahirap pindutin, parang may kung anong pwersa na pumipigil, parang invisible force field, samantalang Log Out naman ang bestfriend ng iyong daliri. Lagi rin itong “aksidenteng” napipindot.

9. Nakatangap kana ng perfect csat survey kahit hindi para saiyo (sabi nung customer , napaka helful daw ni Jenny. E Brando ang pangalan mo sa phone). Pero nakareceive ka na din ng Dissat kahit resolved ang issue.

10. Speaking of, kung parang generic name ng gamot ang pangalan mo, walang problema yan, dahil legal ang pag gamit ng phone name o alias. Halimbawa, sa totoong buhay, ang pangalan mo ay Godofredo, sa industriyang ito, ayos lang na mag opening spiel ka ng “Thank you for calling, my name is Summer”.

11. Naisipan mo nang mag-amok at sindihan ang smoke detector para magpaulan ng tubig ang mga sprinkler, tuwing queuing.

12. May kakilala kang bigla-bigla nalang nagwawala, hinahagis ang headset, hinahambalos ang kanyang mug, dinudurog ang avaya sa pamamagitan ng paghampas ng keyboard, dahil hindi alam ng customer kung nasaan ang “start” button.

13. Yung TL mo bigla nalang nagkakaroon ng meeting, pag nakita ka niyang papalapit, sa pag aakalang Sup Call na naman ito.

14. Kung may Teachers Pet, meron ding TL’s Annoying Monkey. Siya yung team mate mo na laging ume-epal at kadikit lagi ng team leader nyo. Madalas siyang taga-report ng mga late o overbreak. Lagi din siyang humihirit ng mga helpful tips pag team meeting. Sarap lagyan ng tattoo sa noo na “Wala akong pakialam”. Joke lang.

15. Dahil immersed tayo sa konsepto ng tamang “customer service”, madalas kang mag-amok sa mga fast food chain kapag pakiramdam mo ay “youre not getting your money’s worth”. “Ano to!! Sabi ko LEG part.. Bakit tuyong BREAST ang binigay mo sakin? Tawagin mo ang manager!!!”.

16. Meron ka o dumating sa buhay mo ang point kung saan nag-apply ka ng credit card.

17. May kakilala kang ayaw tumigil kaka-english kahit sa mga pampublikong lugar o PUVs pero parang tanga na kating-kati mag Tagalog sa mga English Only Zone ng opisina.

18. Mahirap umisip ng dahilan kapag na late ka. Dahil walang trapik at imposibleng umattend ka ng PTA meeting ng anak mo, pag alas dos ng madaling araw.

19. May team mate kang aligaga sa buhay at walang ibang nais na i-suggest kundi ang mag team building kayo. “TL: Guys, ano bang magandang action plan para bumaba ang AHT ng team? SIYA: Team building tayo!!”

20. Mas maangas pa sa CEO ng kumpanya kung umasta ang mga security guard. Nagulantang ako dati nang minsan kong tanungin si Manong Guard ng “Saan po dito yung testing area?”, sabay sagot ng “Im sorry, but you must be aware that this is an *English Only* zone”. Muntik nakong sumuka ng dugo.

21. Bukod sa crush mo, isa sa napaka konting bagay na nagpapangiti sayo tuwing shift ay mga “Ghost Calls”. Kung saan para kang tanga na uulit-ulitin ang opening line, dahil SOP ito.

22. Naranasan mo nang sapilitang tumawa dahil TL, OM o Shift manager ang nag-joke nung nakasabay mo siya sa elevator, kahit na sabaw ang kanyang sense of humor.

TL: Anong hayop ang magaling mag karate? Ikaw: Bwahahahaha!! (halos masuka ka na sa pag-papangap) Ano boss? TL: E di.. TILAP-YAHHH!! Ikaw: Nyahahahaha!! (gusto mo nang ipitin ang ulo mo sa pinto ng elevator) Nice one!!

23. Pinasok mo ang industriyang ito kalakip ang pag-asa ng mabilis na promotion. Oo, nasa performance mo nakabase ito, pero umamin ka. Pagkatapos ng unang 6 na buwan, narealize mo na mailap ito parang Halley’s comet.

24. Naranasan mo na ang sumakay sa isang PUV after shift, kung saan, ikaw lang ang stressed ang aura, amoy yosi, amoy alak, samantalang lahat ng ibang pasahero ay preskong-presko, mga amoy downy at blooming dahil papasok palang sila.

25. Sa pag-aakalang napindot mo ang mute, nag-tatatalak ka ng tagalog habang may call. Huli mo nang nalaman na naririnig ka ng customer sabay tanong ng “Im sorry, what?”. Pero dahil maparaan ka, sinagot mo siya ng “oh.. that was a secret passage, written in the language of Mordor, that must be uttered to hasten your dwindling internet speed..”.

26. Naranasan mo nang mag-google ng mga sakit na pwede mong idahilan kapag tatawag ka sa sick hotline niyo. Mas “uncommon”, mas maganda. Dapat binubuo ito ng 3 o higit pang medical terms.

27. Poker face lagi ang company nurse o physician. Hindi sila madaling mapaniwala sa mga nagsasakit-sakitan. Sanay na sila dyan. Lumang tugtugin kung baga. Pauuwiin ka lang kung naisuka mo na ang iyong baga o kulay violet na ang iyong buong katawan.

28. Nakauwi na ang lahat subalit naiwan ka parin sa floor dahil sa customer mong isang oras na nagpapaturo, pero hindi parin magets, ang sayantipikong proseso ng pag “copy+paste”.

29. Kung medyo sablay ang kumpanya, naranasan mo na din ang “hot seating”. Ito yung mala-espanyang pagsakop sa work station mo ng kung sinong Lucifer, kung offline ang iyong phone status. Hindi epektibo ang pag-iiwan ng gamit, pagpapaskil ng iyong larawan sa monitor o paglalagay ng note na “Ang kumuha ng station na to, tutubuan ng pigsa sa gilagid”.

30. Di tulad ng ibang propesyon, hindi big deal dito ang AWOL.

Boy A: Asan na si Jayson? Boy B: Nag AWOL na. Boy A: Ah ok. Anong ulam sa pantry?

31. Ikaw o may kakilala kang buong angas kung maglakad sa recruitment area kapag merong mga bagong aplikante. Minsan doon pa mismo tatambay kapag break para ipangalandakan na empleyado na siya. Mas mabisa din kung paiikutin mo ang iyong ID sa leeg na parang hulahoop.

32. Napa-upo kana sa isang work station na puno ng kapalpakan. Kumukurap ang monitor. Mga duro-durog na chichirya ang nakasingit sa pagitan ng mga keys ng keyboard. Yung headset naman, its either mahina, di ka marinig ng customer o nababalot ng sang katutak na scotch tape. Parang embalido lang.

33. Nakakita kana ng isang kumag na pasiklab kung magtype ng password sa mga system tools niyo. Ambilis ng pindot sa keyboard, tulad ng napapanood mo sa mga sci-fi movies. Pero madalas, password incorrect. Maya-maya, mapapansin mo na isa isa nalang ang pag press niya ng mga letter. Kinain ang pride. Busog.

34. Automatic na lumalabas sa bibig mo ang mga phrases na nagpapakita ng sympathy sa customer, kahit na sa totoong buhay e wala ka namang pakialam kung dumadaan siya sa matinding pagsubok gaya ng pagbagal ng internet connection o pagkalimot ng email password.

CX: Bear with me, im such an idiot when it comes to tech stuff. You: Its ok maam. And im sorry that you’re an idiot.

35. Halos araw-araw kang makakarinig ng mga istorya tungkol sa isang bagong kumpanya na mas malaki ang sahod, mas magandang management at mas magandang facilities. “Balita ko nga eh, may swimming pool sa ops area nila, at may libre na isang kilong ubas tuwing pasko”.

36. Aminin mo man o hindi, namangha ka din sa pintuan ng opisina na kelangan pang i-swipe ang ID mo para bumukas. “Ay pota.. Magic!!!”.

37. Dahil graveyard shift, hindi rin mawawala ang mga kwentong kababalaghan sa callcenter industry. Kesyo dati daw sementeryo ang site na yun o may namatay nang agent sa opisina niyo dahil aksidente daw nyang nakain ang Avaya at nabulunan.

Ikaw: TL, Biglang na-drop yung call!! May multo!!!”. TL: Ulol.

38. Meron kang souvenir mula sa kumpanyang balak ata i-declare na “critical working day” ang bawat petsa sa kalendaryo. Maaaring mug na may logo ng company. Ballpen na may logo ng company. Payong na may logo ng company. Burial plan with complimentary lapida na may logo ng company.

39. Hindi rin mawawala ang love team. Naks. Tamis sa gitna ng masalimuot na mundo ng queuing. Sabagay, mahirap din naman kasi ang magkaroon ng matinong relasyon kung hindi callcenter agent ang jowawers mo. Tipong tinext mo, pero tulog siya. Mga 8 oras na ang nakalipas bago pa siya makareply. Tapos, ikaw naman ang tulog. Vicious cycle.

40. Langit ang training phase. Petiks mode. Buddy up lang lagi. Kaso simula na ng impyerno mo paglampas ng nesting.

Taliwas sa pinagsasabi ng mga ignoranteng taong tabon, na hindi kailangan ng utak para makapag trabaho sa isang callcenter, tagisan dito ng talino (kung paano mare-resolve ang issue), abilidad (na magtransfer), creativity (pagiimbento ng dahilan kung bakit dapat niyang sisihin ang kanyang anti virus software) at lakas ng loob (sikmurain ang mga ingles na mura na kadalasan mo lang maririnig sa mga hollywood movies o kanta ni Kanye West).

Karamihan sa kakilala kong matatalino, puno ng sense at mababait (kung team mate kita dati, nabasa mo naman siguro ang mga papuring ito, kailangan ko ng dalawang daang piso, baka meron ka diyan) ay nakasalamuha ko sa nasabing industriya. At kahit kelan, di ko malilimutan ang pagkakaibigan at mga karanasan ko mula dito.

Thank you for calling, to which department would you like to be transferred?


itutuloy ... follow the my story by clicking this link  :
Franz710's misadventures of a call center agent story  part 11
Abangan!!!

No comments:

Post a Comment